top of page

1/ FOR THE LAB. Notes on The Virgin Labfest 2020 Lab in the Time of Covid Edition.

1/ FOR THE LAB. Notes on The Virgin Labfest 2020 Lab in the Time of Covid Edition. Stream of consciousness sinulat. Saka na iedit. Dami gawain. Week 1 ender. Long read


Pasasalamat sa lahat ng mga manlilikha sa entablado aka bahay-bahay at sa mga sumuportang kasama natin sa unang linggo. Salamat at napagtibay lalo ang pananalig ko sa husay at puso ng mga tao at sa kapangyarihan ng paglikha. Pagkilala sa paghihirap ng bawat kasapi sa paglikha. Paggalang at pagpupugay sa inyong wagas at buhos na pagbabahagi.


>>> Ang festival ay isang komunidad ng mga manlilikha at manonood sa panahon na may pandemya at may matinding pagbabanta sa ating kalayaan ng pagpapahayag. Iwawaksi ang lumang habits nito habang lumalabas ang mga palabas sa echo chamber ng mga dating may access at kasalukuyang nagbubukas sa maraming manonood. Kung paano gabayan ang mga manlilikha sa pagsulong sa walang kasiguraduhan habang may pananakot at pagpapatahimik sa mga naglalahad ng katotohanan: bumuo agad ng komunidad, mag-aral magkakasama upang mabilis magkaroon ng kapasidad at magbigay ng supportive na espasyo na maaring mag-fail para matuto agad, samahan sila at pwede din salitan sa panahon ng kahinaan at samahan din sa bawat mumunting mapagtagumpayan. Huwag kalimutang ipagdiwang ang lahat ng matutunan at butil ng pag-asa maski kakapiranggot lamang, nakabubuhay ito. Sa pagbubukas sa maraming manonood sa iba't ibang bahagi ng bansa at mundo, paano gagabayan sa bahaginang ito, pagpapakilala at pakikinig sa bawat isa, at pagpapatuloy ng usapan. Io-off ba natin comment section? Gaano kalaki sa proseso ang ibabahagi? Paano kung marami pa gusto malaman? San pwede ituloy ang usapan. HIndi nagwawakas sa likha ang paglikha - nasa pagpapatuloy at pagdaloy nito sa araw-araw na buhay ng mga manlilikha at manonood. Ito ay dahil ang dula ay di lang “palabas” kundi isang “pagsasabuhay” at magpapatuloy ang danas sa loob ng tahanan o anumang espasyong kinabibilangan at sa mismong kaloob-looban.


>>> VLF 2020 stands for resilience and ingenuity of a creative community rooted in values of boundless generosity, criticality and kindness towards fearless creation of endless possibilities. Do not mistake kindness for lack of criticality; we can always be respectful, humane and compassionate and critical to each other for the betterment of each other. Unless you trample upon rights and continue to incite threat or enforce gatekeeping hiding under the pretense of a "discourse", that's a different conversation. Binubusalan na nga tayo ng gobyerno, tayo-tayo pa ba?


>>> Masaya ako at bayad ang halos lahat ng kasapi sa festival na ito at libre ang mga live shows at sa murang halaga maa-access ang mga gawa. Alam ko, may pagtatangi kayo at lagi sinasabing pwede pang mas magmahal ang presyo higit sa 100 o 200. Unawain lang din natin na hindi nga lang tayo pare-pareho at iba-iba ang hirap na dinaranas ng marami sa atin. May isang estudyante sa isang maliit na bayan na gustong manood o siguro college student na walang allowance pero super interesado o mga nawalan ng trabaho sa gcq. Ito din ay handog natin sa lahat. Kung nais magbigay ng mas marami pang suporta, go may donation po! Salamat sa pagtatangi at suporta. Tulungan nyo kaming mas marami pang maka-access sa mga dula.

Sa halip na paticket mg malaki, more grants and more support hingin natin sa mga institusyon maglaan ng sapat na pondo para mabayaran nang wasto ang lahat ng manlilikha para kaya din nating gawing libre at accessible sa mas marami ang ating mga likha.


>>> Ang sumulong at magpatuloy lumikha, magpatuloy at magtulay ng mga mahahalagang kuwento ng ating panahon sa birtwal na entablado sa kauna-unahang pagkakataon ay isang pagharap sa maraming hamon. Nariyan ang virus pandemya na wala pang gamot, ngayo'y banta sa ating mga kalusugan ng katawan at isip. Nariyan ang epidemya ng korapsyon sa lipunan: katiwalian, kahirapan, pagbabaluktot sa katotohan na banta sa ating mga karapatan at kalayaan. Napagtanto ko ding may isa pang sakit na matagal nang nasa loob ng marami sa atin - ang kawalan ng paki-alam at maayos na pakikipagkapwa lalo na 'pag sa usaping sining kung saan ang tunggalian ay akala mo naiiba sa marami pang digma na ating hinaharap. Para sa ilan, ang sining ay produkto na hiwalay sa proseso at para lamang sa consumption ng nais maka-access nito, pansariling danas at walang pagkilala sa marami pang kayang marating nito. Sa marami, madaling magpukol ng bato, mas mahirap bumuo ng usapan at maayos na pakikitungo. Hindi dapat itrato na "likhang-sining" na produkto lamang ang mga dula at ang mga tao na patuloy lumilikha sa panahon na pagkahirap-hirap magpatuloy - o kailanman. Imbitasyon ang bawat dula na unawain ang danas at karanasan hindi lamang ng mga tauhan sa dula kundi pati na rin ang kondisyon na kinakaharap ng mga manlilikha at tayong lahat bilang manonood - kasama sa danas at pagbibigay-kahulugan sa panahong pinagsasaluhan. Ngayon higit kailanpaman, bumubukas ang ating entablado sa napakaraming manonood at kapwa nakakaranas sa karahasan ng panahon. Pinagsasaluhan natin ang pagsubok at mga laban sa panahong ito : artista man o manonood. Paminsan ang naghihiwalay nga lang sa atin ay pribelehiyo o elitismo at pagsasara batay sa nininais na pamamaraan ng pag-konsumo. Mahalaga ang Pagdating sa pamamagitan ng pagbubukas ng access para magkaroon ng Pagsasama-sama, tungo sa Pagpapakilala kung saan mahalaga ang konteksto, pakiramdaman, bago ang pakiki-isa. Sa panonood, walang isang tamang pamamaraan ng pakahulugan at pagdanas. May mas makatao at maayos na palitan at bahaginan lamang.

Tayo ay tao muna bago "artist" o "audience". LIkha-ng-mga-tao/kumunidad muna ang mga pagtatanghal bago ito isang tinatanging Obra.


>>> Let me drop this and make it clear. I have three point agenda as curator and festival manager of a 15-year old festival set to take redirection, with shift in processes expedited by the pandemic.

To recalibrate the Virgin Labfest as a development platform for new plays championing new voices exploring processes of collaboration and new ways of meaning-making. Performances programmed and staged become strong propositions beyond mere dramatic interpretations.

To highlight VLF as a dynamic community of theatre-makers (directors, designers, actors, staff...) supporting the development of new works by playwrights. It is a creative ecology providing safe spaces for creation and where everyone's encouraged to exchange ideas and help build new capacities. Online and on the ground, our audience take part in the community as we generously share processes and discoveries.

To craft VLF as a premier laboratory x learning hub of/for sound/lights/ prod- designers, directors, writers, actors, stage managers, technicians and now, virtual technicians. We learn by doing. We exchange these learnings with our audiences who are learners and practitioners of performing arts. With our virtual migration, it becomes the pilot pioneering festival testing uncharted territories, experimenting on new modes of storytelling using available media, challenging notions of audienceship and testing possible modes of critical engagements with virtual public.

To be continued...


Comments


bottom of page